Darchinyan susuntok sa WBC 118lbs belt

KUNG papalarin si Vic “Raging Bull” Darchinyan (37-4-1, 27 KOs) sa kanyang laban kay WBC bantamweight champion Shinsuke Yamanaka (15-0-2, 11 KOs) at makukuha ang korona ay sinasabing sunod niyang hahamunin si jr. featherweight champion Nonito Donaire, Jr.

Maghaharap sina Darchinyan at Yamanaka sa Sabado sa Tokyo, Japan.

Matatandaan na si Darchinyan ay nanalo ng world titles sa flyweight at super flyweight divisions at ngayon ay nagtatangkang makakuha ng titulo sa ibang weight class.

Ayon sa kanya, naghanda siya nang todo sa labang ito at handa na siyang agawan ng korona ang kalaban.

“The training is done and I’m ready to dethrone Yamanaka,” sabi Darchinyan. “It was an exhausting training camp, but I paid the price and I’m in excellent shape. Getting a victory in Japan will be a difficult task, except my determination to bring home another world title is driving me like never before. I’m confident that I’ll be crowned world champion once again.”

Noong July 2007 ay naagawan ni Donaire ng flyweight titles si Darchinyan sa pamamagitan ng 5th round technical knockout at mula noon ay tila asong humahabol ang Armenian boxer sa Pinoy puncher para makakuha ng rematch.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply