Dating action star pinagsawaan ng mga bading

HABANG tinatahak namin ang NLEX papuntang Fontana sa Clark Pampanga, sobrang naaaliw kami sa kuwento ng isang talent-manager patungkol sa isang gwapo at dating action star.

Ayon sa talent-manager, kamag-anak niya ang naturang action star na ’to at habang minumura raw ng nabanggit na action star ang isang bading na rating line-producer ng isang malaking movie-outfit para namang nasasaktan sa kurot ang nasabing talent manager.

Hindi kasi alam ng nabanggit na action-star na bading rin pala ang kamag-anak nito na nagsisimula pa lang noong mag-handle ng mga artista. Sobrang itinago kasi noon ni talent manager ang kanyang kabaklaan sa kamag-anak niyang action star na may tatlong anak na sa isang beauty queen na napangasawa nito.

Pero kahit ano’ng tago ng talent-manager tungkol sa kanyang pagkabading, natuklasan rin ito ng action star matapos na maabutan niya sa tinutuluyan nilang bahay sa Sampaloc na may hinahandang lalaki ang sampit niyang talent-manager.

Sa halip na magalit daw si action-star, napasuntok na lang ito sa pintuan.

Matapos na mahimasmasan ni action star na bisaya at tubong Cebu, napausal ito nang “Okay lang, dong. Kung bayot ka, sige ituloy mo lang kung ano ang nararamdaman mo.”

Sobrang maunawain naman pala si action star dahil hinayaan na lang niya ang kabaklaan ng naturang talent manager.

Pero palihim na natutuwa ang talent manager dahil sa naging tapat na sa kanya ang action star sa mga panghahalay na ginawa sa kanya ng isang baklang line-producer.

Dagdag pa ng talent-manager, sa tuwing bibigyan daw ng proyekto itong si action star ng nabanggit na line-producer, kailangang magpatsupa ito sa bading na line-producer.

Sa ngayon, hindi na aktibo sa paggawa ng mga pelikula ang action star na’to. Ang balita namin, nasa States ito at nagkahiwalay na rin sila ng beauty queen niyang asawa samantalang ang talent manager naman na relative niya ay naging kontrobersyal sa pagkakaroon ng mga talent na babae.

oOo

Like mother like son. ‘Yan ang drama ngayon ng gwapong male TV-host at anak ni Lipa Batangas Governor na si Ate Vi, na si Luis Manzano. Mismong mga malalapit na kaibigan ni Lucky ang nagbabalitang tuloy ang pagtakbo nito sa Lipa, Batangas bilang Mayor.

At napadadalas na raw ang pagdalaw ngayon ni Luis sa Batangas para manuyo sa mga tao.

Pero may ilang mga kaibigan ng nabanggit na TV-host sa Deal or No Deal ang nagpapayong tumakbo muna ito sa mas mababang posisyon sa politics.

Pero kung si Gov. Vilma Santos Recto ang tatanungin, hindi raw siya tutol sa planong pagpasok sa politika ng kanyang anak at willing daw siyang suportahan ito.

Ano sa palagay n’yo? Isang ilusyon lang ba sa puso ng mga taga-Lipa Batangas si Papa Luis?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply