Dating brodkaster tinambangan, tepok

NASAWI ang isang dating brodkaster at kasalukuyang barangay chairman ng Barangay Lacson, Kalinan District makaraang harangin at barilin ng mga nakamotor na suspek sa Davao City.

Batay sa ulat, galing sa isang piyesta kagabi ang biktimang si Barangay Captain Aljon Layao nang harangin ng mga naka-motorsiklong suspek ang sinasakyan nitong Kia Sportage sa bahagi ng Purok 4.

Pinaputukan ng isa sa mga suspek ang biktima na agad nitong ikinamatay matapos magtamo ng dalawang tama ng bala sa leeg.

Hinala ng mga kaanak ng biktima, pulitika ang posibleng motibo sa pamamaril.

Si Layao ay 10 taong naging brodkaster bago pumasok sa pulitika.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply