Dating Pangulong Estrada nagdiriwang ng ika-75 kaarawan ngayon

NAGDIRIWANG ngayon ng kanyang ika-75 kaarawan si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

Sa Sto. Niño Parish Church sa Tondo, Maynila sisimulan ni dating Pangulong Erap ang pagdiriwang ng kanyang birthday.

Pagkatapos ng misa ay nakatakdang mamigay ng mga regalo ang dating Pangulo sa mga mahihirap.

Agad namang nilinaw ng kampo nito na hindi pamumulitika ang nasabing gift-giving.

Hindi pa anila tiyak kung tatakbo ang dating Pangulo sa susunod na halalan.

Magugunita na una nang umugong ang balitang tatakbo bilang meyor si Erap sa Maynila sa nalalapit na 2013 elections.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply