Dating parak niratrat, todas

TODAS ang isang dating pulis habang malubhang nasugatan ang asawa nito matapos pagbabarilin ng apat na hindi nakilalang armadong kalalakihan sa loob ng bahay ng una sa Bagong Silang Caloocan City, kagabi (Abril 15).

Dead on arrival sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng pitong tama ng kalibre .45 sa iba’t ibang parte ng katawan si Gerardo Garcia y Dacipulo, 36, dating pulis-Caloocan at residente ng Barangay Bagong Silang ng lungsod.

Malubhang nakaratay at ginagamot naman sa East Avenue Hospital si Alma Garcia, 35, asawa ng nasawi.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:30 kagabi habang nanonood ng television ang pamilya nang pasukin ng apat na armadong lalaki na pawang nakasuot ng bonnet.

Galit na nagmura pa ang isa sa apat at nang makita si Garcia ay agad na pinaputukan ang biktima.

Hindi pa nakuntento ang mga salarin at pinaputukan din ng dalawang ulit si Alma sa katawan.

Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng dalawang hindi na plakahang motor, habang ang mga biktima ay dinala sa nasabing pagamuan.

Nabatid na si Garcia ay nadismis sa serbisyo.

Patuloy ang imbestigasyon at nagpalabas ng manhunt operation ang pulisya laban sa mga salarin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply