De Lima, Lacierda lulusot sa disbarment case- M’cañang

TIWALA ang Malakanyang na kapwa malulusutan nina Justice Secretary Leila de Lima at Presidential spokesman Edwin Lacierda ang disbarment case na isinampa laban sa mga ito.

Kasalukuyang nakabinbin sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang disbarment case ng dalawang opisyal makaraang ipasa ng Korte Suprema ang pagdinig sa nasabing kaso.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Ricky Carandang na kumpiyansa silang maipagtatanggol nina De Lima at Lacierda ang kanilang mga sarili.

Aniya, nananatili ang suporta ng Pangulong Benigno Aquino III sa dalawang opisyal sa gitna ng kinakaharap na kaso.

Nauna nang inihayag ni Integrated Bar of the Philippines (IBP) president Roan Libarios na nasa kanilang tanggapan na ang disbarment case na isinampa ni Atty. Ric Rivera, laban kina De Lima at Lacierda.

Ito’y makaraang ipasa ng Korte Suprema sa IBP ang nasabing usapin kung saan intasan ang kapulungan ng mga abogado na gawan ng report ang magiging imbestigasyon.

Hahawakan naman ang isyu ni Committee on Bar Discipline OIC head Atty. Dennis Funa.

Subalit, tumanggi muna si Libarios na ihayag kung ipapatawag nila sina De Lima at Lacierda dahil kailangan muna nila itong pag-usapan ng board of directors.

Sa oras na matapos ang imbestigasyon ng komite ni Funa ay isusumite nila ang resulta sa IBP board, habang ang mga opisyal naman ng kapulungan ang magdadala ng report at rekomendasyon sa Kataas-taasang Hukuman.

Nag-ugat ang kaso nina Lacierda at De Lima sa mga contemptuous remark umano ng mga ito laban kay Chief Justice Renato Corona at pagtutol sa kautusan ng hukuman partikular na ang isyu ng hold departure order kay dating Pangulong Gloria Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply