Dean ng PUP natangayan ng P1.3-M alahas at cash

TINATAYANG aabot sa P1.3 milyon ang halaga ng alahas at cash ang natangay sa isang dean ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), ng kanyang kasambahay na lumayas sa Bacood St., Sta. Mesa, Maynila.

Sa reklamo ni Cecilia Mercado, dean ng school of accountancy, 63, sa tanggapan ng Manila Police District-Theft and Robbery Section, inireklamo nito ang kanyang maid na si Arlyn Mangandi, 18, tubong Malasiqui, Pangasinan.

Sa pahayag ni Mercado kay Insp. Jimmy Labarda, lumayas ang kanyang kasambahay at huli na nang madiskubre niyang nakabukas ang kanyang cabinet na pinaglalagyan ng kanyang mga alahas at pera.

Kabilang sa mga nawala, ay ang kanyang diamond (P500,000), gold necklace (P100,000), pares ng diamond earrings (P300,000), bracelet (P10,000) at marami pang iba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply