Deep well nasira: CR ng NAIA namamaho

NAHAHARAP ngayon sa malaking suliranin ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kawalan ng tubig sa mga palikuran na nagdudulot ng pamamaho sa comfort room dahil sa pagkakasira ng deep well na nagsu-suplay ng tubig sa buong lugar.

Dahil dito problemado ngayon ang mga kagawad ng bumbero ng Manila International Airport Authority (MIAA) matapos na halos na isang buwan nang hindi gumagana ang deep well na nagbibigay ng suplay ng tubig sa pangangailangang personal ng mga biyahero sa NAIA.

Gayuman ipinahayag ng mga bumbero na hindi naman apektado ang kanilang operasyon sakaling magkaroon ng sunog maliban sa suplay ng tubig sa comfort room.

Ayon kay Ramon Santos, assistant fire marshall ng MIAA, nagsimulang masira ang deep well sa kanilang istasyon na nasa Terminal 1 noon pang unang araw ng Semana Santa.

Hanggang sa kasalukuyan ay hirap na umano silang makakuha ng malinis na tubig para sa personal na pangangailangan na ipinambubuhos sa inodoro lalo na ngayong nararanasan ang matinding init ng panahon.

Sa ngayon, mano-mano na ang ginagawang pag-iipon ng tubig sa kanilang palikuran na kinukuha sa mga fire truck galing sa mga fire hydrant mula sa paliparan.

Nabatid na kinakailangan pang dumaan sa binding ang pagsasa-ayos ng nasirang deep well bago ito mapakinabangan ng mananakay sa NAIA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply