Demolisyon pa sa Parañaque City naudlot

NAUDLOT ang nakatakdang demolisyon sana ng awtoridad sa Tucuma, Merville, Parañaque City kanina.

Sa hindi nabanggit na dahilan, hindi natuloy ang demolisyon sa Tucuma habang ipinagpatuloy naman ang paggiba sa mga bahay sa Silverio Compound ng nabanggit ding lungsod.

Maaga pa lamang kanina ay gumawa na ng human barricade ang mga residente na naghayag na hindi nila isusuko ang kanilang mga bahay sa demolition team.

Nilinaw naman ng tumatayong lider ng Tucuma na walang karahasang magaganap sa nakaumang na demolisyon dahil mahigpit ang kanyang bilin sa mga kasamahan na huwag gumamit ng armas.

Aminado sila na natalo sila sa korte subalit nanalo naman ang kalabang Molave Development Corporation dahil sa teknikalidad.

Sa panig ni Parañaque City Mayor Florencio “Jun” Bernabe, sinabi niyang hindi niya maaaring panghimasukan ang naging desisyon ng korte at bigyan ng pabor ang mga taga-Tucuma dahil siya ang mako-contempt sa korte.

Matatandaang isa ang namatay sa marahas na demolisyon sa Silverio compound makaraang tamaan ng bala sa ulo.

Sa pinakahuling ulat ng pulisya, lumalabas na malapitang binaril ang biktimang si Arnel Leonor Tolentino.

Sa isinagawang awtopsiya sa labi ni Leonor, pumasok ang bala sa kaliwang noo ng biktima na tumagos sa likod ng kanyang ulo.

Lumalabas na galing sa low-caliber firearm tulad ng kalibre 38 o 9 mm. ang ginamit ng suspek.

Nakatayo ang biktima nang siya ay tamaan ng bala dahil trajectory ang bala.

Nasa 24-pulgada lamang ang layo ng suspek sa biktima na pinaniniwalaang kasamahan din nitong residente na gumamit ng armas laban sa awtoridad.

Isa sa mga dinakip na suspek na kinilalang si Dick Estrata ang nagpositibo sa paraffin test.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply