Demolisyon sinuspinde muna ng DILG

NAGALAK ang maraming militanteng grupo sa inilabas na desisyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil sa pansamantalang pagpapatigil ng mga demolisyon sa mga kabahayan ng maralitang taga-lungsod sa buong Metro Manila.

Ayon sa grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) at Anakbayan-National Capital Region (Anakbayan-NCR) and Kabataan Partylist-National Capital Region (Kabataan Partylist-NCR), ang suspensyon ay tagumpay sa hanay ng mararalitang komunidad.

Pabor naman ito sa mga residente ng Tucuma, sa Merville, Parañaque dahil makakapaghanda pa sila para malabanan ang pagpapalayas sa kanila.

Iniutos ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang pansamantalang suspensyon ng demolisyon sa Biyernes at sinabihan ang mga ahensiya ng gobyerno kabilang ang pulisya at local government units na repasuhin muna ang mga regulasyon o batas sa nasabing isyu.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply