Dennis vs Marquez ikakasa

INAMIN ni Filipino welterweight Dennis Laurente (42-4-5, 23KO’s) na inalok siyang labanan si lightweight king Juan Manuel Marquez (53-6-1, 39KO’s) sa Mexico.

Ngunit sinabi ni Laurente na nagpasya siyang tanggihan ang oportunidad na makaharap ang pound-for-pound fighter sa 40-pound division.

Ayon kay Laurente, hindi pa niya kayang lumaban sa 140 lbs dahil mahina siya rito.

Isa rin sa mga nagtulak sa kanya para tanggihan ang laban ay ang pagiging mahusay ng Mexican boxer na aniya’y hindi pa siya handang sagupain.

Matatandaang nadepensahan ni Laurente ang kanyang Philippine welterweight title sa pamamagitan ng 12th round TKO laban kay challenger Eusebio Baluarte sa Dusit Thani Hotel sa Makati City kahapon.

Dahil sa panalong iyon, umangat ang kartada ni Laurente sa 40-4-5 with 23 knockouts habang nalugmok si Baluarte sa 19-6 with 12 knockouts.

Ayon sa ulat, maging si Congressman Manny Pacquiao na kasalukuyang pound for pound king and WBO welterweight champion ay humanga sa ipinakitang galing ni Laurente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply