Denuclearization sa Korean peninsula isusulong

PANGUNGUNAHAN ng Pilipinas ang pagsusulong ng ‘denuclearization’ o bawal ang armas na nukleyar sa Korean Peninsula sa pagsisimula ng pagpupulong ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) summit sa Cambodia.

Suportado rin ng Pilipinas ang panawagan na muling pagsasagawa ng Six Party Talks upang makamit ang layunin na ipagbawal ang paglulunsad ng armas nukleyar sa dagat na sakop ng South at North Korea.

Nagpahayag din ng matinding pagkabahala si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa binabalak ng Pyongyang na ituloy ang missile launch mula Abril 12 hanggang Abril 16, sa kabila ng panawagan ng iba’t ibang bansa at ng ipinalabas na resolution ng United Nations (UN).

Nagbigay naman ng katiyakan ang Cambodia na isasama nito sa babalangkasing ASEAN Chairman’s statement ang panawagan sa Democratic People’s Republic of Korea (DPRK) na itigil ang lahat ng balakin kaugnay sa paglulunsad ng nuclear missile.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply