Depektibong gripo, upuan nasilip sa NAIA

ILANG maliliit na problema lang ang napansin ni Pangulong Noynoy Aquino nang bumisita sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 bilang bahagi ng kanyang pag-i-inspeksyon sa mga terminal sa Kamaynilaan kanina.

Nakita ni Aquino ang ilang depektibong gripo sa comfort rooms at napansin din nito ang mga upuang medyo pasira na sa departure boarding area na kailangang mapalitan agad para sa konbinyente ng mga umaalis na pasahero.

Sa kanyang mahigit na isang oras na pagbisita sa airport, sinamantala ng ilang pasahero na makamayan ang presidente at pagkaraan ay bumaba ito sa arrival area saka nakihalo sa ilang pasahero kabilang na ang ilang dayuhang turista na dumating mula sa Boracay.

Ilan sa mga aktibidad ng pagpunta ni Aquino sa NAIA terminal 3 ay ang pag-inspeksyon sa x-ray booth na matatagpuan sa main entrance para sa initial security check; help desk area; domestic check-in counters na matatagpuan sa islands C at D; terminal fee counters para sa domestic passengers; at final security check area.

Kabilang din sa sinuri ng pangulo ang operasyon at security set up sa NAIA terminal 3 at ang status ng volume ng pasahero at trapiko, saka ang airport security assistance measures.

Subalit hindi ito nakuntento sa kasalukuyang sitwasyon ng terminal dahil ilang bahagi ng terminal ay hindi pa natatapos.

Aniya, kailangang matapos na ito upang maging fully operational ang terminal 3.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply