Depensa ni Bynum sinandalan ng Lakers

MATINDING depensa ang tinulong ni Andrew Bynum upang ilista ng Los Angeles Lakers ang 103-88 panalo kontra Denver Nuggets kaninang umaga sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) playoffs.

Pinoste ni Bynum ang first-career triple double matapos magtala ng 10 points, 13 rebounds at 10 blocks upang makauna sa game 1 sa kanilang best-of-seven series ng Western Conference..

”It’s the only way really possible for me to get a triple-double – through blocked shots,” masayang sabi ni Bynum. ”If I play good D, we’ll win games. I think I’m just going to be as aggressively as I can defensively to contest their shots. … You’ve got to win Game 1. Statistics are against the teams that lose Game 1, especially on the home court.”

Si star player Kobe Bryant ang nag-top scorer sa Lakers ng ilista nito ang 31 puntos, limang boards at apat na assists habang sumegundo si Ramon Sessions na may ginawang 14 points at limanmg assists.

”His timing was impeccable today,” patungkol ni Bryant kay Bynum. ”He really understood the rhythm of their offensive players. He was just there at the exact moment, either to change or block the shot.”

Kinapos ang 19 puntos, apat na rebounds at dalawang assists na tinikada ni Danilo Gallinary sa Nuggets kaya naman asahang babawi ito sa Game 2.

Pumangalawa sa opensa ng Nuggetes si Andrei Miller na nakapagtala ng 12 pts., eight rebounds at pitong assists.

Sa ibang resulta ng WC, binomba ng San Antonio Spurs ang Utah Jazz, 106-91 habang sa Eastern Conference ay giniba ng Atlanta Hawks ang Boston Celtics.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply