Deployment ng OFWs susuriin ng Dole

REREPASUHIN na ng Department of Labor and Employment (Dole) ang mga patakaran sa pagde-deploy ng mga overseas Filipino worker sa abroad.

Ang pagrepaso ay bunsod ng pagpruba ng Kongreso sa permisong pagpapatuloy ang pag-deploy ng mga Household Service Workers (HWS) at iba pang skilled workers sa kahit anong bansa pati sa mga kinokonsiderang “unsafe” o mga delikadong lugar tulad ng Middle East.

Pero sa kabila nito, sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na paiigtingin nila ang pagkakaroon ng bilateral agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng iba pang bansa upang masiguro ang proteksyon ng mga OFW.

Halimbawa na lamang sa Middle East, ito ay kinokonsiderang partially compliant na ang ibig sabihin, nakapasa man sa requirements ang mga Pinoy, hindi naman sigurado ang kanilang proteksyon.

Bilang tugon dito, titiyakin ng Dole, Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Overseas Employment Agency (POEA) na maging “fully compliant” sa mga requirements ang mga Pinoy workers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply