Derek papalitan na ni Dingdong sa Star Cinema

PAGKATAPOS kumita ng malaki ang “No Other Woman” nina Cristine Reyes, Anne Curtis at Derek Ramsay, balitang papalitan na ng Star Cinema ang pa-macho at gigolo effect na karakter ni Derek sa mga proyekto ng number one movie outfit ng bansa. Si Dingdong Dantes ang napipisil nilang gumanap sa papel na babakantehin ng balbonic actor.

Isang love-triangle drama raw ang gagawin ng Kapuso actor sa film arm ng ABS-CBN. Ang makasasama raw nito sa pelikula ay sina Angelica Panganiban at Angel Locsin. Si Ruel Bayani, na siyang direktor ng blockbuster film na No Other Woman ang siyang magigigng direktor din nito.

Samantalang yung movie na pagsasamahan ng boyfriend ni Angelica at Bea Alonzo ay hindi na matutuloy. Ito ba’y hudyat na nang unti-unting pagpagpag kay Ramsay sa kwadra ng Star Cinema?

Si Dingdong ay mas bata at sariwa kumpara kay Derek na may edad na. Sa Segunda Mano bagama’t ‘di nagpakita ng kakisigan ang papa ni Marian Rivera ay kumita pa rin ng milyones ang naturang pelikula. Pa’no kung maghubad pa ang matangkad na aktor? Aba’y baka malampasan pa nito ang kinita ng mabalahibong aktor sa box-office.

***

Seksing aktres tinakbuhan ng BF na aktor

MASYADONG mabilis ang mga pangyayari. Nagkakilala sa isang network ang aktor at ang seksing aktres. Dahil sa utak banyaga na ang lalaki na matagal nang nanirahan sa ibang bansa at nagmula naman sa isang bar sa parting north ng Pilipinas si babae kaya madali silang nagkachurvahan. Wala na silang pakyeme. Tsuktsakan agad.

Wala pang isang buwan ang kanilang relasyon ay umiskapo na ang aktor at bumalik sa rati nitong bansa dahil tapos na ang project nito sa nasabing TV station. Naiwan ang girlitang madaling bumigay na umaasa’t naghihintay. Wala pang isang buwan ulit, naputol na ang komunikasyon ng dalawa. Hindi na sumasagot sa mga tawag, tweet o text ang gamiterong aktor. Ang ending, balik sa kanyang paboritong sumbungan ang mapagtiwalang aktres-sa kanyang Twitter account. Doon ay emote to death siya at inilalabas lahat ang sama ng loob.

***

Ara ayaw sa amicable settlement

HABANG isinusulat namin ito, balitang inisnab ni Ara Mina ang imbitasyon ng Viva na makipag-usap sa kanila para maayos umano ang gusot nilang magkapatid. Hindi rin pabor ang dalaga sa tawag at text na pag-sorry ni Cristine Reyes. Ang paninindigan ni Menang, turuan ng leksyon ang half-sister. Ngayon pang alam nitong nasa likod n’ya ang sandamakmak na press people.

Ang tanging makapagpapalambot lamang ng puso ni Ara ay ang kanilang ina na nanahimik ngayon. Alam nating mamagitan ito sooner or later. Binibigyan lang niya marahil ng panahon ang kanyang mga anak na gawin ng mga ito ang nararapat sa kung ano ang nasa puso nila.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari¬† n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply