Derrick Monasterio ‘di pinatutulog ng Indonesian starlet

MATAPOS ang mararaming babaeng na-link sa sikat na new actor na si Derrick Monasterio heto na ngayon, in love daw ito sa Indonesian actress na gumanap na younger sister ni Gwen Zamora sa “The Witness.”

Dati nga, naakusahang pabling ang anak ni Tina Monasterio kasi nga halos sabay-sabay na-link sa kanya ang mga kasabayan sa Kapuso Network.

Peros sabi niya, di raw siya mapaglaro sa mga babae. He was accused of being so after he was reported to be wooing Sarah Lahbati and Bea Binene simultaneously. Linked din siya sa mahilig sa mga guwapong laging nakatambay sa Shakeys na may iba-ibang lalaking kasama na si Diva Montelaba, at ang latest nga, ang Indonesian actress na si Kimberly Ryder whom he met at the premiere night of the The Witness more than a month ago.

Excited nga si Derrick kay Kimberly at laging may nakahandang magandang statements dito. In fact, ipinakikita pa ni Derrick ang picture nito sa kanyang cell phone sa mga reporter na nagtatanong sa kanya.

“She’s very beautiful, isn’t she?” sabi pa niya.

“I’m looking forward to seeing her again in Jakarta this month as I will help promote the movie when it opens there later this April. Ako kasi ang kumanta ng theme song nito, so I’ll sing it sa TV shows roon to promote it.”

Suffice to say na laging puyat si Derrick kasi nga, laging laman ng kanyang isip at panaginip ang Indonesian starlet.

o0o

Danita Paner kampi kay Annabelle Rama

ON NA ang character ni Danita Paner sa Isang Dakot na Luha some two or three weeks ago. “Nag-taping na ako as the grown-up daughter of Alice Dixson at lumaki na ‘yung bata at naging ako,” pagkukuwento niya.

“This is my first drama soap. Kasi yung una ko, Basta Driver Sweet Lover with JC De Vera, is more of a comedy at yung next na Bangis with Oyo Sotto, is more of action-adventure.

“Dito, iyakan scenes talaga kasi nahiwalay kami ng mga kapatid ko from Alice Dixson, who’s my ninang in real life, and Jay Manalo, dahil kay Glydel Mercado, kaya ipinamigay ko ‘yung mga kapatid ko sa ibang tao.”

Ngayon at odds ang mommy niya with her manager na si Annabelle Rama, and yet, di pa rin siya tumatalikod sa kanyang manager.

“Kasi she’s been like a mother to me dito sa showbiz. I told my mom about it and she respects my decision.

Ako naman, kinausap ko si Tita Annabelle and told her whatever problems she has with mommy, labas na ako roon. Bata pa naman ako, away-bati na sila, so I know magkakaayos din sila soon.”

After JC and Oyo, she gets a new leading man in Isang Dakot na Luha, Edgar Allan Guzman. “Nagkasama na kami sa workshop for the show and we get along fine. Du’n sa nervous breakdown scene ko na kailangan kong umiyak, magwala, maglupasay, he was there and he supported me.”

Maganda naman ang mga statement niya tungkol sa kanyang dating boyfriend na si JC De Vera, “I learned a lot from the experience kasi si JC, very disciplined when it comes to work so I got that from him. I really value my work now. And dahil sa breakup, (They are frequently seen together these days – Ed) I can feel mas marami akong mapaghuhugutang emotions ngayon when I do drama scenes.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply