Desisyon ng korte sa HLI handang ipatupad ng DAR

SA ORAS na mapasakamay na umano ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang kopya ng pinal na kautusan ng Korte Suprema kaugnay ng kaso sa Hacienda Luisita Inc. ay agad din nila itong ipatutupad.

Kahapon (ABril 24), ay inanunsiyo na ni Supreme Court spokesperson Midas Marquez ang desisyon ng korte ukol sa pamamahagi ng lupain ng Hacienda sa mga benipisyaryong magsasaka.

Nauna rito matatandaan na noon pang Enero 2012, inabisuhan na ng DAR ang mga farmworker ng Hacienda Luisita ukol sa naunang desisyon ng Korte Suprema noon pang Nobyembre 2011 hinggil sa distribusyon ng mahigit 4,300 ektaryang lupain ng Hacienda Luisita sa mahigit 6,200 manggagawa ng bukid.

Ang Hacienda Luisita ay binubuo ng 16 na titulo na hinati-hati sa 176 na mga lote, para maipamahagi sa mga magsasaka ng hacienda.

Ang DAR naman ang siyang makikipag-ugnayan sa mga tanggapan ng LRA at DENR para sa pagproseso ng mga titulo at survey sa kondisyon ng mga kalsada, irrigation canals mga tirahan at iba pang kakailanganin sa lugar bago sila maiisyuhan ng CLOAS.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply