DFA hindi natinag sa babala ng China

HINDI natitinag ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa babala ng China na huwag mandamay at magpakampi sa ibang bansa
partikular sa Amerika sa harap ng gusot sa Scarborough Shoal.

Tinukoy ng China ang nakatakdang ‘2+2’ meeting ng mga opisyal ng Pilipinas at Amerika.

Ayon sa Department of National Defense (DND), ang sentro ng pulong ay ang modernization ng militar at kooperasyon sa ilang mga usapin.

Sinabi ni DND Spokesman Peter Galvez na kabilang sa areas of cooperation ay ang hinggil sa ekonomiya, kalakalan, pulitika at
development.

Ani Galvez, ang ‘2+2’ meeting ay matagal nang itinakda, hindi pa man umuusbong ang sigalot ng Pilipinas at China sa Scarborough
Shoal.

Una rito, binalaan ng China ang Pilipinas na huwag na nitong iparating sa mga kaalyadong bansa ang sigalot nila sa Scarborough
Shoal.

Sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Liu Weimin na lalong magiging komplikado at lalala ang gusot sa Scarborough kung
ini-internationalize ng Pilipinas ang namamagitang tensyon sa dalawang bansa.

Iginiit ni Liu na ayaw nilang makita ang Pilipinas na isinasangkot ang ibang bansa sa kanilang gusot at tila nagtatawag ng kakampi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply