DFA may manok na para maging ambassador sa China

MAY napili na ang Department of Foreign Affairs (DFA) na isusumiteng pangalan kay Pangulong Benigno Aquino III upang maging bagong ambassador ng Pilipinas sa China.

Ayon kay DFA Assistant Secretary Raul Hernandez, may naisip nang pangalan si Secretary Albert del Rosario na irerekomenda bilang kahalili ng umatras na si dating Philippine Ambassador to China Domingo Lee.

Gayunpaman, tumanggi naman si Hernandez na pangalanan kung sino ang napipisil ni del Rosario upang maging punong opisyal ng Pilipinas sa komunistang bansa.

Hindi rin binanggit ng tagapagsalita ng kagawaran kung naibigay na ng kalihim sa Punong Ehekutibo ang rekomendasyon nito.

Batay sa kanilang pag-uusap, nais ng kalihim na isang ‘insider’ na may kaalaman sa ugat ng sigalot sa pinagtatalunang Scarborough Shoal ang hirangin ni Pangulong Aquino.

Ayon pa kay Del Rosario, wala na silang panahon para turuan pa ang maluluklok na ambassador sa China dahil kailangang sumabak agad sa trabaho.

Matatandaan na iniurong ni Lee ang nominasyon sa kanya bilang punong opisyal ng Pilipinas sa China makaraang makailang-ulit itong hindi makumpirma ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply