DFA: Usapin sa Scarborough umuusad na

UMUUSAD na ang pakikipag-usap ng Pilipinas kay Chinese Ambassador Ma Ke Quing kaugnay sa standoff sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, bagama’t may mga bagay silang pinagtatalunan, hindi umano nangangahulugang hindi umuusad patungo sa mapayapang kasunduan ang kanilang pag-uusap.

Ani Del Rosario, magandang pangitain din ang ipinakita ng China matapos na iatras nila ang isa sa kanilang barko kahapon (Abril 13) kasunod ng pag-pullout ng pamahalaan sa BRP Gregorio del Pilar ng Philippine Navy na unang nakipaggirian sa sampung Chinese vessel kabilang na dito ang dalawang Marine surveillance ships.

Iniurong na rin ni Del Rosario ang paghahain ng Pinas ng diplomatic protest laban sa China.

Sinabi ni Del Rosario, na nagkasundo na sila ng China na panatilihin muna ang “status quo” at hindi gagawa ng anumang probokasyon ang dalawang bansa habang naghahanap pa ng mapayapang solusyon sa nagpapatuloy na standoff na nagsimula pa noong Lunes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply