‘Di ako magpapadaya’ – Bradley

BINIGYANG DIIN ni undefeated jr. welterweight contender Timothy Bradley na hindi mangyayari sa kanya ang naranasan ni Richard Abril na kahit tinalo nito sa tingin ng iba si former lightweight champion Brandon Rios ay nagwagi pa rin ang huli.

Inilabas ni Bradley ang pahayag matapos ang kontrobersiyal ngang panalo ni Rios nitong Linggo laban kay Abril.

Ayon kay Bradley, hindi dapat mabahala ang fans dahil nagsasanay siya para manalo laban kay Manny Pacquiao.

“Don’t worry fans I’m not blind to what this sport brings, however I am training for the win. In with the new out with the old,” ayon kay Bradley.

Katunayan, ang strength & conditioning coach ni Pacquiao na si Alex Ariza ay naniniwalang kaya pinanalo si Rios ay dahil umaasa itong makakaharap ang Pambansang Kamao sa hinaharap.

“Of course he won, TR doesn’t want to give up that 50K. Bob wants him to fight Pacquiao,” ayon kay Ariza sa isang post sa kanyang official Twitter page.

Matatandaan na si Pacquiao na alaga ni Bob Arum ay nanalo rin ng controversial majority decision victory laban kay Juan Manuel Marquez na pinaniniwalaan din ng iba na ang Mehikano ang nanalo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply