‘Di kasing promising ng ama!

PINASOK na rin pala nang tuluyan ni Garie Concepcion ang mundo ng showbiz. Siya ay isang Backroom artist na ngayon at kalalabas lang ng kanyang self-titled album. And like her older sister, KC Concepcion, gusto rin niyang mag-host.

Unfortunately, kahit saang anggulo mo tingnan, hindi nakuha ni Garie ang good tisoy looks ng kanyang dad na si Gabby Concepcion, unlike KC na carbon copy ni Gabby. What’s more, very controversial ngayon ang kanyang inang si Grace Ibuna na “other woman” ng namayapang Rep. Iggy Arroyo.

May sitsit ngayon na balak daw ipalit si Grace sa naiwang posisyun ni Iggy Arroyo sa Congress. I don’t know how this is possible pero susuportahan daw ni Garrie ang mommy niya no matter what!

***

SAD news naman ang pagkakatanggal ng Fil-Am na si Cheesa sa The Voice this week. Walang nagawa ang kanyang coach na si Cee-Lo Green kundi pakawalan siya kahit pa nakatanggap siya ng standing ovation mula mismo kay Cristina Aguilera nang kinanta niya ang I Have Nothing ni Whitney Houston.

Ngayon ay nakatutok ang lahat kay Fil-Am Jessica Sanchez na pasok pa rin sa Top 6 ng American Idol. Puspusan na ang ginagawang botohan ng lahat ng Filipino sa States para hindi ma-eliminate si Jessica and hopefully ay makasama siya sa Top 3 tulad nang nangyari noong 3rd Season ng AI kay Jazmine Trias!

***

BUKAS (Biyernes) na gaganapin ang Slimmers World International’s Miss Bikini Philippines Pageant 2012 sa PICC Plenary Hall ng 7pm.
Twenty four candidates ang maglalaban-laban from all over the Phils. at ang mananalo ay magko-compete sa Miss Bikini International sa China!

So far, early favourite si Jolina Ann Roque mula sa Subic sa ginawang press launch nito last week sa Diamond Hotel. Tingnan natin kung siya ba ang mag-uuwi ng korona. Abangan ang telecast nito sa May 17, 10:30pm sa Studio 23.

***

PART 2 ng Summer Special ng Bubble Gang na kinunan sa Pueblo Por La Playa, Pagbilao, Quezon ang mapapanood ngayong Biyernes sa GMA7. Guests sina Michelle Madrigal, Chariz Solomon at Betong. Kasama sila sa Sirena Gags at Nestea (Share Share) Commercial Spoof.
Masa-sunburn si Cheche Bureche at alamin kung sino ang bagong character na si Tita Herminigilda. Kakantahin ni Bitoy ang Harana ng Parokya Ni Edgar na kakantahin naman ni Moymoy Palaboy. Ano ang bagong kwento ni Malakas at Maganda at bakit sila may Coded Na Usapan. Apir rin ang Pick-Up Lines. Ang Dating Daan at Sumbong-Sumbong.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply