‘Di maayos na PUJs ‘wag tangkilikin– Partido Kalikasan

IPINABO-BOYCOT sa publiko ng isang grupong makakalikasan ang mga pampublikong sasakyan na bumibiyahe sa Metro Manila dahil sa pagiging sanhi ng mga ito nag matinding polusyon.

Sinabi ni Jules Penales, secretary general ng environmentalist group na Partido Kalikasan sa ginanap na pulong balitaan sa Talakayan sa Homer’s, na hindi na dapat tinatangkilik ng mga mananakay o commuter ang mga public utility vehicle o PUVs na hindi na maayos.

Ayon kay Penales, hindi na dapat pang bumiyahe at sinasakyan ang mga bus o dyip na nakatagilid dahil tiyak aniyang malaki na ang depektibo nito na mapanganib sa mga komyuter.

Ginawa ng grupo ang pahayag dahil na rin sa lumalalang polusyon sa National Capital Region na dito ay pangunahing contributor ang mga luma ng sasakyan na dapat ay matanggal na sa mga lansangan.

Partikular na tinukoy ni Penales ang kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue o Edsa mula sa Caloocan, patungo ng Quezon City hanggang sa Baclaran, Parañaque, at ang ilang lansangan sa Lungsod ng Maynila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply