Biyenan ‘di makasundo, inutas ng manugang

NAGKABUTAS-BUTAS ang katawan ng 67-anyos na lalaki nang pagsasaksakin ng kanyang manugang sa Pangasinan, kahapon, Huwebes Santo sa Mangaldan, Pangasinan.

Dead on arrival sa ospital sanhi ng mga tama ng saksak iba’t ibang parte ng katawan si Vergelio Alvarado, ng Mangaldan.

Nakaditine na sa Mangaldan PNP at sasampahan ng kasong homicide ang suspek na si Mario Reyes, 34.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente alas 7:30 ng gabi kahapon sa loob mismo ng bahay ng magbiyenan.

Bago ito, pumasyal ang biktima sa bahay ni Reyes para dalawin ang anak nitong babae at pati na rin ang kanyang mga apo na may tatlong buwan na niyang hindi nakikita.

Pero dahil hindi talaga magkasundo, nagtalo ang magbiyenan dahilan kaya sinaksak ni Reyes si Alvarado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply