‘Di marunong pumulso at umamoy!: Singer-actress bading na naman ang bagong papa

MAY bagong Papa ngayon si singer-actress na may bonggang teleserye sa malaking TV network. Kaso mo, like her former husband na nagwo-work sa isang TV station, pinagdududahang bading rin ang karelasyon na sobrang madatung pa namang aktres. Kung suwerte siya sa kanyang career, siya namang malas nito sa pag-ibig. Sabi nga ng isang friend nito ay ang tanga-tanga niya. ‘Andami namang tunay na lalaki na nanliligaw sa kanya pero bakit ang ending niya parati siyang napupunta sa bakla?

Wala raw bang pang-amoy ito o hindi man lang ba marunong pumulso ng tunay o hindi na mhin? Well, ‘yung first boyfriend nitong aktor na naka-live-in pa nga ni singer-actress ay natsismis rin na silahista. Hanggang ngayon wala tayong balita kung nag-asawa ba ang naturang aktor o hindi? Ganyan talaga. Kanya-kanya tayo ng kapalaran. Sana ang wish lang namin sa susunod na ma-in-love uli si aktres ay siguraduhin na nitong hindi na siya matanso pa.

Bakit kasi hindi siya tumawag ng friend niyang gay at ipaamoy muna si Papa bago siya pumunta sa isang seryoso uling relasyon? Better luck next time gyud!

***

Soul Siren Diva biglang nalaos nang mawala sa ASAP

TAMA nga ang sinabi sa atin my BFFT Pete A. ng ating angel na si Sir Roxy Liquigan na hindi kawalan ng network nilang ABS-CBN kung may artista man o singer na gustong umalis sa kanila.

Madali lang naman ‘yan. Hahanap sila at magbi-build-up ng panibagong talent na kanilang pasisikatin. Knowing Kapamilya Network, lahat halos ng artista nila kilala unlike sa Kapuso at Kapatid Network na rito lang sa Mega Manila knows ang kanilang mga talent. And speaking doon sa umalis nilang alaga, look n’yo ang Soul Siren Diva na si Nina.

Kung before ay jingle na lang ang pahinga ng petite na singer na ito sa rami ng shows rito sa Pinas at abroad, ngayon, simula ng mawala siya sa ASAP dahil sa pagmamaldita sa mga kasamahang ASAP Sessionistas, hayun, madalang pa sa patak ng ulan kung dumating ang offer ngayon at lalo pa yatang minalas nung umapir sa Wiltime Bigtime ni Willie Revillame.
Kinakarma gyud!

***

Claire dela Fuente, dinudumog ng mga estudyante sa kanyang special workshop

SINCE kunin ng Totale Image Asia ang serbisyo ng Viva Recording Artist/Talent Manager na si Ms. Claire dela Fuente para magturo sa kanilang mga workshop na may kinalaman sa singing at performing, dinumog na ang kanilang talent school ng mga estudyante na hindi lang gustong matuto o ma-develop ang kanilang craft kundi para makita rin ng personal si Claire. Siyempre, sumikat nang husto ang nasabing diva kaya marami ang nagkaka-interes na masilayan siya in person. At suwerte rin ng mga workshopper na ito dahil si Claire nga ang magtuturo sa kanila ng Total Package Improvement Workshop for Singing.

Bale tuwing weekends (Sat and Sun) lamang ito at every session ay 10 worskshopers lang puwede. Kaso mo dahil dinudumog nga ito, baka magdagdag na ng araw ang Totale Image Asia na located diyan sa may Timog Avenue with tel nos…2153745.

Aside sa pagiging facilatator ng school na ito ay todo asikaso rin si Claire sa mga alagang sina Sam Pinto, Bela Padilla at sa bini-build-up ngayon ng Viva na newcomer talent commercial model/young sexy actress na si Yam Concepcion. Alaga rin ng amiga naming singer-businesswoman sina Meg Imperial, Jensen Kyra Tenoso, Maffy Soler at mismong binatang anak na si Leroy dela Fuente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply