‘Di na kaya ang kasamaan ng ugali: Cristine Reyes kinasuhan ni Ara Mina

MATAPOS mag-away dahil sa bayaran sa balanse sa bahay na kanilang binili para sa kanilang ina ay kinasuhan ni Ara Mina ang nakababatang kapatid na si Cristine Reyes ng libel at grave coercion hindi aniya para singilin ang kapatid kundi para bigyan ito ng leksyon.

Nang humarap si Ara sa press interview, emosyonal na ipinahayag ng dalaga na kanyang kinasuhan ang kapatid sa Quezon City fiscal’s office dahil na rin sa lumalalang ugali nito.

Ayon sa abogado ni Ara, pinupuwersa umano ni Cristine ang kanyang ate na ibigay na lamang ang SUV ng dalaga bilang kabayaran sa remaining balance sa kanilang nabilang bahay.

Dahil kung hindi, nagbantay si Cristine na hindi niya titigilan sa pag-atake ang kanyang ate.

Sa panig naman ni Ara, sinubukan niya aniyang makausap ang kapatid pero hindi siya nito kinakausap.

“Hanggang makakapag-pasensya, magpa-pasensya ako. Punung-puno na ako eh, hindi ko na kaya, kasi kung anu-ano na ang sinasabi niya. Kailangan ko lang gawin ‘to kasi ayaw niya makipag-usap. Para maturuan siya ng leksyon, kasi hindi na tama ‘yung ginagawa niya.”

Dagdag pa ni Ara na tuloy-tuloy ang pagte-text sa kanya ni Cristine ng masasakita na salita.

Ilan lamang dito ang:

“Kung ayaw n’yo’ng manggulo ako sa buhay n’yo, bayaran n’yo utang n’yo sa akin. Kung wala kayo pangbayad, ibigay ninyo ang hinihingi ko.”

“I’m sure ibebenta mo ‘yang laspag mong katawan na pinagsawaan na ng lahat. Daig pa ang aso sa sobrang kati.”

Inamin ni Ara na ikinagalit din ni Cristine nang kanyang -text na mag-usap sila dahil sa marami siyang naririnig na sinasabi ng nakababatang kapatid.

Sinasabing nag-ugat ang galit ni Cristine kay Ara nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan sa pagbabayad sa bahay na kanilang binili para sa kanilang ina.

“Sinasabi niya na bayaran ko siya. Hindi ko siya kailangang bayaran kasi ako ang naghulog ng [bahay] ng mommy ko. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya, kasi nasa pangalan niya ‘yung deed of sale. Siya ‘yung nag-down ng P1 million, ako ‘yung naghulog ng P2.3 million.”

“Kumbaga siya ‘yung may lumalabas sa akin na balance, pero wala na ‘yun eh. Ang sinasabi niya sinisiraan ko siya dahil may balance siya sa ‘kin na P500,000, [pero] pera lang ‘yan.”

Idiniin naman ni Ara na idinemanda niya ang kapatid para bigyan ng leksyon dahil hindi niya na umano kaya ang sumasamang ugali ng aktres.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply