‘Di naibili ng uniporme, Pakistani sinunog ang sarili

PESHAWAR, Pakistan – Natusta nang buhay ang isang binatilyong Pakistan matapos nitong silaban ang sarili dahil lamang hindi naibili ng uniporme sa eskuwelahan.

Sinabi ni Saleem Khan, kapatid ng biktimang si Kamran Khan, dahil sa sobrang kahirapan ay hindi kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang ang kanyang kapatid.

Pero dahil may angking katalinuhan, nakapag-aral si Kamran sa pamamagitan ng schorlarship na ipinagkabloob ng isang private school.

Ang kanilang ama aniya ay bigong makahanap ng trabaho sa Saudi Arabia habang ang ina nila ay nagtatrabaho lamang bilang katulong.

Upang maitaguyod ang pag-aaral, nangangalap ng scrap metals ang biktima para ibenta upang makatulong din sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

Ayon pa sa kapatid, hindi nanghihingi ng anuman mula sa magulang si Kamran pero nito lamang nakaraang linggo ay nagpapabili ito ng bagong school uniform sa kanilang nanay dahil bukod sa luma at nag-iisang uniporme ay marami na itong tagpi.

Ngunit sinabihan ito ng inang na hindi niya kayang ibili ng uniporme ang anak pero nangulit pa rin kaya nasampal ng ina ang biktima.

Bago lumabas ng bahay, nagbanta si Kamran sa ina na kung hindi niya maibili ito ng bagong uniporme ay magpapakamatay ito.

Kaya pagkalabas na pagkalabas ng kanilang bahay, binuhusan ng biktima ang sarili ng gasolina at saka sinilaban ang katawan gamit ang posporo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply