‘Di pag-inhibit ni Corona sa HLI case tinuligsa

TINULIGSA ng isang kongresista ang hindi pag-inhibit ni Chief Justice Renato Corona sa kaso ng Hacienda Luisita.

Hindi rin pinaboran ni CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugnan ang tila pagtigil ng Hacienda Luisita Inc. (HLI) sa panawagan ng “inhibition” ni Corona.

Ayon kay Tugna, isa sa miyembro ng prosecution panel, siguradong makakaapekto ang sentimyento ni Corona sa pagsasalita laban kay Pangulong Benigno Aquino III ukol sa usapin ng hacienda sa magiging desisyon ng mga mahistrado sa HLI.

Naunang nagpahayag si Corona ng kanyang paniniwala na ang desisyon ng Korte Suprema sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang rason bakit isinulong ng mga kaalyado ni Pangulong Aquino ang impeachment laban sa kanya.

Dahil dito, sinabi ni Tugna na upang hindi mabahiran ng pagdududa ang magiging desisyon ni Corona at hindi maipakita ang impartiality ay dapat kusa na lamang itong mag-inhibit.

Sakali aniyang paboran ng Korte Suprema ang mga magsasaka sa hacienda at maging “guilty” ang hatol sa impeachment ay hindi aniya malayo na isipin ng publiko na ito ay usapin ng gantihan.

Paliwanag pa nito na wala aniyang magiging basehan ang retaliatory act o gantihan sapagkat ang senator-judges na hahatol sa impeachment case ni Corona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply