Diplomatic protest ng Pinas vs China inurong na

DAHIL sa pagkakaroon ng progreso sa negosasyon ng Pilipinas at China sa nagaganap na standoff sa Scarborough Shoal ay iniatras na ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China.

Ayon kay Del Rosario, nagkasundo sila ng China na panatilihin muna ang “status quo” at hindi gagawa ng anumang probokasyon ang dalawang bansa habang naghahanap pa ng mapayapang solusyon sa nagpapatuloy na standoff na nagsimula pa noong Lunes (April 9).

Mamayang gabi, nakatakdang makipagnegosasyon muli si Del Rosario kay Chinese Ambassador Ma Keqing at umaasa ang Kalihim na masosolusyunan ang hindi napagkakasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply