Director ng Ospital ng Maynila sinibak

SINIPA sa kanyang puwesto ang director ng Ospital ng Maynila (OSMA) kasunod ng sorpresang pagbisita ni Manila Mayor Alfredo Lim sa nasabing ospital.

Si OSMA director Dra. Janet Tan ay papalitan ng kanyang deputy na si Evangeline Morales.

Kasama ng alkalde na nag-inspeksiyon sa naturang pagamutan sina secretary to the mayor Atty. Rafaelito Garayblas, city administrator Jay Marzan, legal officer Renato dela Cruz, social welfare chief Jay dela Fuente, department of public services chief retired Col. Carlos Baltazar at chief of staff and media bureau director Ric de Guzman.

Nilibot ng alkalde ang buong pasilidad ng ospital at binusisi ang operasyon ng pagbibigay ng serbisyo sa mga mahihirap na residente ng lungsod.

Bumuo rin ng grupo ang alkalde na magsasagawa ng ebalwasyon sa kasalukuyang estado ng OSMA para ma-improve ang serbisyong ibinibigay sa mga taga-Maynila.

Bukod sa pag-iikot sa pasilidad, (kabilang na ang comfort rooms, pharmacy at stock room) tiningnan din ni Lim ang kondisyon ng mga pasyente na nasa mga wards at emergency room.

Bukod dito, binigyan din ng instruksiyon ni Lim ang mga doktor at nars sa naturang pagamutan at nag-iwan din ng financial assistance sa mga pasyente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply