Disinfection, sanitation drive isasagawa sa NBP

MAGSASAGAWA ng disinfection at sanitation drive ang Department of Health (DOH) sa pasilidad ng New Bilibid Prisons (NBP) ngayong alas-otso ng umaga.

Ito ay pangungunahan DOH Center for Health Development-Metro Manila (CHD-MM) Dir. Eduardo Janairo, para mailayo sa karamdaman ang mga preso at maagapan ang ilan sa kanila na nagkakasakit.

Sinabi ng DOH na ang paiba-ibang panahon at matinding init ngayong summer ay maaaring pagmulan ng iba’t ibang sakit at karamdaman lalo na kung ang mga lugar ay hindi regular na nalilinis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply