Diskuwento Caravan tuloy

KINUMPIRMA ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz na magsasagawa ng Diskuwento Caravan ang National Wages and Productivity Commission (NWPC) sa National Capital Region (NCR).

Nabatid sa kalihim na ang kauna-unahang Diskwento Caravan sa taong ito ay gagawin sa Mayo 10 at susundan pa ng 7 caravans sa buong NCR.

Pinaliwanag din ni Secretary Baldoz na ang Diskwento Caravan ay bahagi ng mga non-wage benefits program ng pamahalaan upang matulungan ang mga manggagawa at kanilang pamilya na magkaroon ng access sa mga pangunahing pangangailangan at serbisyo sa mas murang halaga.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply