Disneyland sa Pampanga pag-aaralan ng Palasyo

MASUSING pag-aaralan ng Malakanyang ang panukala ng isang kongresista na payagan ang Walt Disney Co. na magtayo ng Disneyland theme park sa lalawigan ng Pampanga.

Sinabi ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte na walang dahilan para hadlangan ang naturang ideya kung makatutulong naman ito sa turismo ng bansa.

“That has to be studied… We get the general idea, it will bring in business and promote tourism, may multiplier effect ang ganoong project [but] we have to study it first,”ani Valte.

Ayon pa kay Valte, maging si Pangulong Benigno Aquino III ay nagpahayag na resonable ang panukala kaya’t walang dahilan para hindi ito pagtutuunan ng pansin.

Nauna rito, tinutulak naman ni Pampanga Rep. Carmelo Lazatin na magkaroon ng Disneyland theme park sa Clark Freeport sa nasabing lalawigan.

Hiniling din ni Lazatin sa Department of Tourism na suportahan ang ideyang ito.

Idinagdag pa ng mambabatas na ang isang Disneyland sa Clark Freeport ay makapagpapalobo ng buwis ng gobyerno.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply