Doble suweldo sa Labor Day – DOLE

MAKATATANGGAP ng doble suweldo ang mga empleyado na magtatrabaho sa Araw ng Paggawa o Labor Day sa Mayo 1, Martes.

Kaugnay nito, pinado-double check naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga empleyado ang kanilang sweldo pagdating ng kanilang pay day.

Ipinasisiguro ng DOLE na dapat makatanggap ang mga empleyado ng 200% o double pay sa mga magtratrabaho ng Mayo 1 bilang regular holiday.

Ipinaaalala rin ng ahensya na dapat makatanggap ang empleyado ng 30% kada-oras na mag-eextend ito at regular pay naman kapag hindi pumasok sa opisina.

Dahil dito, hinikayat ni DOLE Secretary Rosalinda Baldoz na isapuso at maging matapat ang bawat employer sa kanilang mga empleyado upang maproteksyunan ang mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply