DOH: 10 patay sa dengue sa Davao Region

UMABOT na sa sampu katao ang namatay dahil sa dengue sa Davao Region sa unang tatlong buwan pa lang ng 2012, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa datos ng DOH, pumalo na sa mahigit 1,300 ang tinamaan ng sakit na mula sa lamok na aedes aegypti mula sa 10 ospital sa naturang rehiyon.

Nabatid na sa Southern Philippines Medical Center lamang ay umabot na sa 473 ang kaso ng naturang sakit sa unang bahagi ng taon kumpara sa naitalang 210 kaso noong 2011.

Dahil dito, pinaigting pa ng kagaawaran ang kampanya laban sa nakamamatay na sakit.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply