Malaria-Free Philippines hangad ng DOH sa 2020

INAASAHAN ng Department of Health (DOH) na maging Malaria-Free na ang Pilipinas pagsapit ng taong 2020.

Ayon kay DOH Assistant Secretary Eric Tayag, kasabay ng paggunita sa World Malaria Day ngayong araw layunin nila na alisin na sa bokubolaryo ng ahensya ang sakit na malaria.

Sinabi ni Tayag na kasama sa mga hakbang ng DOH ay ang pamamahagi ng mga kulambo na may insecticide na hindi agad natatanggal kahit labhan.

Samantala, pinag-iingat ng DOH ang publiko sa iba’t ibang sakit ngayong tag-init

Ipinaliwanag ni Tayag na upang masabi na heat stroke, ang temperatura ay pumalo dapat sa 42 degrees Celsius.

Bukod sa sobrang taas ng temperatura, maaapektuhan din ng heat stroke ang nervous system ng tao kaya ito nagdudulot ng stroke.

Pinaalalahanan din ni Tayag ang publiko na mag-ingat dahil bukod sa heat stroke ay tumataas din ang kaso ng diarrhea at iba pang gastro intestinal diseases kapag tag-init.

Patuloy din ang pagpapaalala ng DOH kaugnay sa rabies, sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga nagkaroon nito.

Ayon kay Tayag, bumaba ng 31% ang bilang ng may rabies mula nitong Enero kumpara noong nakaraang taon na umabot ng 98.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply