DOH: Maruming tubig dahilan ng diarrhea outbreak sa GenSan

ANG maruming tubig ang tinitignang dahilan ng Department of Health (DOH) sa diarrhea outbreak sa General Santos City.

Ayon kay DOH Chief Epidemiology Asec Eric Tayag, nagsagawa na ng water sampling ang ahensya sa Purok Saludin; Purok Salafan, Barangay Labangal at Purok Mudia upang matiyak kung sa tubig ang sanhi ng pagkakasakit ng mga residente sa lugar.

Bukod dito, namigay na rin ang kagawaran ng oral rehydration at pang disinfect sa tubig inumin doon.

Sa ulat, lumitaw na may apat na bata na ang binawian ng buhay dahil sa pagtatae habang 243 iba pa ang naospital sa nasabing lungsod simula lamang noong Marso 30 hanggang Abril 19.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply