DOH sa mga namamanata: ‘Wag pabayaan ang kalusugan

NAGPAALALA ang Depertment of Health (DOH) sa mga namamanata na huwag pabayaan ang kanilang kalusugan ngayong Semana Santa.

Partikular na pinaalalahanan ng DOH ang mga nagpipinetensya at napapapako sa krus.

Magugunitang nakaugalian na ng mga namamanata na magpapako sa krus lalo na sa San Fernando, Pampanga.

Ilan sa mga deboto na nagpapako sa krus ay iisa lamang ang layunin at sinasabing nais nilang maranasan ang pasakit na naranasan Huesukristo.

Ayon kay Dr. Lyndon Lee-Suy, maaaring lalo pang makasama sa kalusugan ng mga deboto   ang ganitong klase ng pagpipenitensiya.

Maaaring makakuha ng sakit ang mga nagpapapako sa krus gaya ng tetano mula sa mga pako at sugat mula sa pagpapahampas sa kanilang katawan.

Una na ring inihayag ng Simbahang Katoliko na hindi naman kailangang magpapako pa sa krus dahil maaari naman ipakita ang pananampalaya sa pamamagitan ng pagbabalik loob at pagninilay-nilay, at pagdarasal ng taimtim.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply