DOH: Walang banta ng mad cow disease sa bansa

WALANG banta ng mad cow disease sa Pilipinas.

Ito ang Tiniyak ng Department of Health (DOH) at sinabing ligtas pang bumili at kumain ng mga imported na karneng baka kahit may ulat ng mad cow disease sa America.

Ayon kay Dr. Eric Tayag, assistant secretary ng DOH, isang baka lang naman ang nagpositibo sa mad cow disease sa California at masyadong malayo ito sa lugar kung saan umaangkat ng baka ang Pilipinas

Nilinaw din ng opisyal na sa sandaling tamaan ng mad cow disease ang isang baka ay mapaparalisa na ito.

Makaaapekto naman aniya ang sakit sa tao oras na makain ang litid, brain tissue o spinal cord ng bakang nagpositibo sa sakit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply