DOLE kinakawawa ang mga manggagawa

ILANG reklamo na rin ang ipinaabot sa Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga mamamahayag at komentarista sa pamamagitan ng kani-kanilang kolumn at programa subalit pawang bumabagsak lang sa malalabong mata, tengang puno ng tutuli at manhid na damdamin ng mga opisyal at empleyado ng nasabing tanggapan ng pamahalaan.

Matapos basahin at mapakinggan ang mga reklamo ng mga manggagawa hinggil sa kanilang kalagayan sa pinapasukang kompanya o establisimyento, balewala lang sa mga nakatalaga sa monitoring unit at

public information office ng DOLE ang mga hinaing ng taumbayan.

Balewala sa tanggapan ni DOLE Secretary Marianito Roque ang mabigat na pasanin ni Juan dela Cruz at tila ang mahalaga sa kanila ay sumahod kapag a-15 at katapusan ng buwan.

Paano naman ang mga “boss” ni Pangulong Benigno Aquino III na pawang kumakalam ang sikmura dahil

sa maliit na sahod na tinatanggap mula sa kanilang mga nambubusabos na amo?

Kung totoong ang mamamayan ang boss ni PNoy, dapat ay utusan niya ang mga taga-DOLE na gawin ang kanilang responsibilidad na hindi lang mabigyan ng trabaho ang mamamayan kundi siguruhing hindi naaabuso ang kanilang mga karapatan.

Maraming trabahador ang todo ang kayod at pagpapatulo ng pawis sa maghapon upang kumita ng sapat para sa kanilang pamilya ng makakain at mabuhay nang maayos subalit karamihan ay inaabuso naman ng mga negosyante.

Bukod sa sobra-sobrang oras ang ipinag-tatrabaho sa kakarampot na suweldo, halos tratuhing parang alipin ang iba ng kanilang mga amo, lalo na ng mga dayuhan.

Ito sana ang magandang bigyang pansin at tutukan ng pamahalaan upang kahit paano ay maibsan naman ang problema ng mga mamamayang nagbabanat ng buto upang mabuhay ng maayos.

Magsagawa sana ng mga inspeksyon sa iba’t ibang inirereklamong tanggapan ang DOLE upang mapatunayan at masaksihan nila ang totoong kalagayan ng work force ng bansa.

Hindi lang naman mga pabrika at tindahan ang inirereklamo na mababang magbigay ng suweldo kundi

maging ang security agencies na bukod sa hindi nagpapatupad ng minimum wage ay hindi rin nagbabayad ng SSS, Philhealth at PAGIBIG ng kanilang mga empleyado. Hindi rin nagbibigay ang

mga ito ng overtime (OT) pay at night differential.

Kawawang-kawawa ang mga empleyado dahil sobra-sobra sa trabaho pero kulang na kulang naman sa suweldo at benepisyo.

Bigyan sana ng panahon ng DOLE ang mga reklamo sa kanila ng mga manggagawa na pinagkukunan nila ng kanilang sahod.

Huwag namang hayaan nitong nasabing kompanya na maging inutil sa paningin ng madla kaya dapat silang kumilos upang hindi magmukhang walang ginagawa.

Happy Birthday to Inay Niña De Mesa, of San Crispin, San Pablo City on April 25.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply