Donaire KO kay Nishioka

MISTULANG na-knockout ni Japanese Toshiaki Nishioka (39-4-3, 24 KOs) si Nonito Donaire (28-1, 18 KO) matapos maungusan ang huli sa Jr Featherweight/Super Bantamweight rankings ng RING Magazine ngayong April 2012.

Kilala bilang “The Filipino Flash,” si Donaire ay four-division world champion at kasalukuyang WBO Super Bantamweight Champion.

Dati ring WBC at WBO Bantamweight, Interim WBA Super Flyweight at IBF Flyweight Champion si Donaire.

Sina Donaire at Nishioka ay posibleng magkaharap ngayong taon dahil na rin sa pagpupursigi ni Bob Arum subalit patuloy na nabuburo.

Ipinalagay din ng ilang sports analysts na kung magkakaharap sina Donaire at Cristian Mijares (45-6-2, 21 KO) sa Hulyo ay posibleng matuloy ang laban ng Pinoy boxer kay Nishioka.

Pangalawa lamang ni Nishioka si Donaire habang pangatlo naman si Guillermo Rigondeaux sa rankings na kasalukuyang WBA Champion.

Samantala, pang-4 naman si Abner Mares, pang-5 si Akifumi Shimoda na sinundan nina Rico Ramos (6), Poonsawat Kratingdaenggym (7), Jeffrey Mathebula (8), Takalani Ndlovu (9) at Steve Molitor (10).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply