Double full alert ikinasa sa Palawan

KASABAY ng magkasunod na pagsabog na ikinasugat ng tatlong katao nitong Huwebes Santo, ikinasa na kaninang umaga ng awtoridad sa Palawan province ang ‘double full alert status’ para hindi na masundan ang nasabing insidente.

Hindi naman inaalis ng awtoridad ang posibilidad na ang motibo sa dalawang pagsabog ay away sa negosyo pero hindi muna ibinunyag ang mga pangalan ng magkaribal.

Ito rin ang hinala ni Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn na ang insident ay walang kaugnayan sa terorismo kundi awayan sa negosyo.

Nauna rito, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na hiniling na niya ang tulong ng mga sundalo para palakasin ang seguridad sa Palawan.

Sa kanilang 7 a.m. report, sinabi ng NDRRMC na nakipag-koordinasyon na sila sa Armed Forces of the Philippines’ Western Command para sa “possible tactical reinforcement.”

Gayunman, ang kapulisan ang tumututok sa pagkakasa ng malalim na imbestigasyon sa insidente para matukoy ang motibo at kung sino ang nagkasa ng pagbobomba.

Dalawang pagsabog ang magkasunod na naitala sa North Highway malapit sa Puerto Royal Express Bus station sa Barangay San Jose sa Puerto Princesa City; at a tapat ng Entalula Beach Resort sa Barangay Masagana sa El Nido, Palawan.

Dalawang katao ang nasugatan sa Puerto Princesa City explosion, na naganap alas 5:30 p.m. kahapon na sina Marivic Arias, 28, nagtamo ng minor injury sa kaliwang bukong-bukong habang ang isa pang biktima na si Cenon Magdayo, 75, ay nagtamo ng sugat sa noo at bukong-bukong din.

Sampung minuto bago ang pangalawang pagsbaog o 5:20 p.m. may pagsabog din na naganap sa tapat ng Entalula Beach resort, na ikinasugat ng isang resort cook na si Aiza Gay Martinez Mallari, 23-anyos.

sa inisyal na imbestigasyon, nagtatapon ng  basura si Mallari sa labas ng resort nang may biglang sumabog. Dinala ito sa Dr. Reyes Clinic sa Brgy. Corong-Corong sa El Nido para sa kaukulang  medical treatment.

Pumunta naman agad ang El Nido police na pinangungunahan ni Inspector Analyn Palma kasama ang mga tauhan ng Explosives and Ordnance Division (EOD) at Joint Task Force Malampaya para magkasa ng imbestigasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply