DPWH sinabon sa indiscriminate road repairs

SINABON ng isang kongresista ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga pabara-barang pagkukumpuni ng mga lansangan sa Metro Manila at karatig na mga lalawigan.

Sinabi ni Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento na hindi dapat pabayaan ng DPWH ang mga kontratista sa implementasyon ng mga proyekto sa pagkumpuni ng mga lansangan.

Tinukoy nito ang hindi magandang trabaho ng DPWH at mga kontratista  gaya ng wala sa lugar na pag-i-schedule na karaniwang nagdudulot ng masikip na trapiko lalo na sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ang pagsita ni Sarmiento sa DPWH ay kasunod ng panibagong bansag sa Metro Manila bilang isa sa pinakamalalang siyudad sa buong mundo kung ang pag-uusapan ay ang trapiko.

Payo pa ng kongresista na tumpak na panahon ang summer o tag-init para magsagawa ng pagkukumpuni sa mga lansangan subalit kailangang may mahusay pa rin aniyang koordinasyon pati sa mga apektadong lokal na pamahalaan.

Hindi umano maaaring pairalin dito ang bahala na system dahil sakit ng ulo sa publiko ang indiscriminate road repairs na resulta ng sabay-sabay at minamadaling mga proyekto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply