Driver walang pakinabang

NOONG nakaraang linggo, habang pabalik ako ng bahay galing airport ay nakahuntahan ng Free Spits ang driver ng Taxi na sinakyan natin pauwi.

Medyo nakagugulat at enlightening ang naging kuwentuhan namin ni Mamang Driver.

Baligtad sa sinasabi ng mga lider ng transport groups, hindi naman daw laging humihingi ng dagdag-taas ng pasahe ang mga driver ng Taxi, Bus at Jeep.

Ang totoo raw, ayaw nila na tumataas ang pasahe dahil lumiliit daw ang kita nila kapag nagkakaroon ng pagtaas nito.

Hindi raw ito epektibo sa kanila lalo na sa mga Taxi driver.

Ang totoo raw, tanging transport leaders, lalo na ang mga operator, ang nakikinabang sa taas-pasahe dahil nagkakaroon sila ng dahilan na itaas ang boundary ng mga Taxi.

Kung susumahin, ang kita at gastos ng mga Taxi driver sa bawat pagtaas ng pasahe, kumikita lamang sila ng dagdag na limang piso bawat pasahero.

Pero ang boundary nila ay 300 piso ang dagdag kada araw.

Isama pa rito ang biglang pagkonti ng sasakay ng Taxi dahil mahal at pati ang kita nila ay lumiliit.

Ang isang Taxi driver ay may boundary na P1,500 kung luma ang Taxi at P1,700 kung bago.

Kanila ang gasolina sa buong araw at kailangan pa nilang mag-uwi ng kita.

Pag maganda ang araw ay kumikita sila ng P4,500. Tanggalin ang P1,500 na boundary, P2,500 na gasolina at P500 ang natira sa kanila. ‘Yan ay kung maganda ang pasada.

Kung hindi ay may utang pa sila sa operator.

Sabi sa akin ni Mamang Driver, ayaw nila ng taas-pasahe.

Kahit wala na raw taas-pasahe okay lang kasi hindi natataboy ang mga pasahero ng Taxi.

Tsaka wala namang pakinabang sa kanila ang taas-pasahe, lugi pa sila sa bandang huli.

Tanging ang mga operator daw ng Taxi, Bus at Jeepney ang talagang kumikita kapag may pagtaas ng pamasahe.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply