DSWD may summer job para sa gradweyt, estudyante at OSY

NAGBUKAS ng summer job ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) hindi lamang sa mga college students at mga graduate kundi sa mga unemployed, kumukuha ng vocational courses at mga out of school youth

Ayon kay Social Welfare Secretary Dinky Soliman, aabot sa 90,000 na mga kabataan ang kanilang hinahanap ngayon para sa expanded government internship program na nilaanan ng P1.3 bilyon pondo.

Ilan sa mga handog na trabaho ng DSWD ang office work at pagtulong sa implementasyon sa mga pro-poor program ng ahensya.

Para sa mga aplikante, maaaring magtungo sa alinmang DSWD office sa buong bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply