Dudura sa public places may kulong na

IKUKULONG na ang mga indibidwal na mahuhuling dudura sa pampublikong lugar.

Kapag mahuli, maaari nang makulong, batay sa House Bill No. 5901 na iniakda ni Alliance of Volunteer Educators (AVE) Partylist Rep. Eulogio “Amang” Magsaysay.

Binigyang diin ng mambabatas na isa lamang itong paraan upang maituwid at mabigyan ng solusyon ang masamang bisyo ng pagdura sa mga pampublikong lugar, na maaaring pagmulan ng pagkalat ng sakit na tuberculosis (TB) at hepatitis.

Nakapaloob sa panukala na ang sinumang walang pakialam at sadyang dumura ng laway, plema, mucus o ibang substances sa pampublikong lugar gaya ng kalye, eskinita, bangketa, parke, palengke, public halls, malls, buildings, terminals, eskwelahan, simbahan, ospital at mga katulad na lugar ay papatawan ng kaukulang parusa.

Binanggit ni Magsaysay ang ulat ng World Health Organization (WHO) na 75 Filipino ang namatay araw-araw sanhi ng TB na nakakahawa.

“Ang sabi ng WHO, matagal pang panahon para sa Pilipinas na mapuksa ang TB kahit nagpahayag ang Department of Health na makakaahon ang bansa na mabawasan ang namamatay sa TB ng 50porciento sa loob ng limang taon o hanggang 2015,” ayon kay Magsaysay.

Aniya, batay sa mga nauna nang pag-aaral na ang mycobacterism tuberculosis na sanhi ng TB ang nananatili sa tuyong lugar ng hanggang walong buwan.

Sinabi pa nito na ang pagdura ay isang paraan o sanhi ng pagkalat ng mikrobyo na pinagmumulan ng sakit na TB.

Kapag naisabatas ay mapaparusahan ang mga mahuhuling dudura sa paligid ng anim na buwang pagkakakulong at multa na P500 para sa unang paglabag; P1,000 sa ikalawang paglabag; at P2,000 sa ikatlong paglabag at obligado ring pumunta ang mga susuway sa health seminar ng Department of Health at local health units.

Ang ganito aniyang batas ay naipatupad na sa mga bansang Singapore, India, Malaysia, at China, samantalang tanging ang Davao City lamang sa lugar sa Pilipinas ang may ganitong uri ng batas sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply