Dumb Dora raw si Iza!

TRENDING sa Twitter worldwide nu’ng Sunday nang madaling araw ang PBB Big Night kasama ang big winner na si Slater Young at ang second placer na si Pamu Pamorada. Si Slater ang kauna-unahang lalaki na big winner sa regular edition ng Pinoy Big Brother.

As of presstime,trending nationwide ang Riggel ni Iza Calzado. May nag-tweet nga ng Double #dumb?@MissIzaCalzado mistakenly mentioned Luneta Grandstand for Quirino Grandstand) & Riggel 4 Biggel. Awkward.

Agad din sumagot sa Twitter si Iza: “I’m not offended by tweets because I really made a mistake! Kinabahan ako sa rami ng tao! Haha! Quirino, not Luneta, Biggel not Riggel:D,” sey niya.

Sa ganitong live, hindi naman talaga maiwasan ang magkamali gaya ng nagawa ni Iza. At least, pinag-uusapan siya ngayon. Hahahaha.

May tweet din si Aldred Gatchalian na dating kapamilya at produkto ng PBB Teens.”This is hard, but I think I have to tell everyone that starting next week I will be part of GMA Artist Center and GMA Network.Thank you ABS!”

Pero ang the height ay si Rhap Salazar na ewan kung seseryosohin mo o hindi ang mga tweets. Kalorky. Una ay  nag-tweet siya ng ‘Goodbye Showbiz?’.

Pangalawa: ”Finally had a meeting with GMA Network.. Contract-signing tomorrow.. Excited for new projects with them! :’)

Pero sinundan niya ito ng “Don’t take it too serious friends.. It’s April!
#HappyAprilFoolsDay”

‘Yun na!

-0o0-

Malapit nang magbukas ang kwento ng pinaka-aabangan at pinakamalaking Primetime teleserye ng ABS-CBN, ang The Princess and I tampok ang royal cast na pangungunahan ng tinitingala at nirerespetong aktor at aktres na sina Albert Martinez at Gretchen Barreto; ng tatlong pinakabagong kakikiligang mga Prinsipe ng Primetime na sina Enrique Gil, Khalil Ramos at Daniel Padilla; at ng pinakabagong Prinsesa ng Primetime na si Kathryn Bernardo.

Tunghayan sa pinakabagong Filipino fairytale drama sa telebisyon ang kwento ng kaharian ng Yangdon na pinaghaharian ni King Anand (Albert). Subalit sa likod ng marangyang buhay, mababalot ng kalungkutan ang kaharian nang mawala ang prinsesang si Mikay (Kathryn) na mamumulat sa buhay ng kahirapan.

Sa mapangahas na pagbabalilk ni Gretchen sa telebisyon pagkatapos ng kaniyang di malilimutang pagganap sa teleseryeng Magkaribal, bibigyang buhay naman niya ang karakter ni Ashi Behati, isang Yangdon royalty na nagnanais agawin ang korona ng kaharian ng Yangdon.

Huwag palampasin ang pagbukas ng kwento ng pinakabagong Primetime royal teleserye ng ABS-CBN na “The Princess and I” ngayong Abril 16 (Lunes) sa Primetime Bida.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply