Dyip swak sa bangin: 14 katao sugatan

NAGTAMO ng minor injuries ang 14 katao nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang pampasaherong dyip sa kahabaan ng Naguillan Road sa Barangay Bato, bayan ng Naguillan, La Union.

Batay sa ulat, patungo sana ang sasakyan na minamaneho ni Doddy Boy Nerona, 23, residente ng Barangay Delles, sa bayan ng Burgos sa lalawigan para dumalo sa isang kasalan.

Habang binabaybay ng dyip ang kahabaan ng nasabing kalsada ay tinangka nitong mag-overtake sa dalawang nauunang traysikel.

Nawalan ng kontrol sa pagmamaheno si Nerona kaya nagdire-diretso at nahulog sa bangin na tinatayang may limang talampakan ang lalim.

Isinugod naman sa Naguillan District Hospital ang mga pasahero ng dyip.

Hawak na ng pulisya si Nerona na masuwerteng hindi nagalusan sa insidente.

Iniimbestigahan pa rin ang pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply