Early announcement ng mga politiko legal pa

NILINAW ng Commission on Elections (Comelec) na wala pang batas na nalalabag ang mga pulitiko na maagang nag-anunsyo ng kanilang planong pagtakbo para sa 2013 midterm elections.

Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento, batay 2009 decision ng Supreme Court, nakasaad na  maituturing lamang na kandidato ang isang pulitiko kung siya ay nakapagsumite na ng certificate  of candidacy (COC).

Dahil rito, hindi aniya maaaring kasuhan ng Comelec ang mga pulitiko na maagang nag-aanunsiyo ng kanilang planong pagtakbo para sa darating na halalan.

Nabatid na ginawa ni Sarmiento ang pahayag kasunod na rin ng kabi-kabilang anunsiyo ng ilang pulitiko ng kanilang mga plano sa 2013 elections.

Kabilang sa mga maagang nagkumpirma ng planong tumakbo sa 2013 polls ay si Vice President Jejomar Binay na tatakbo sa pagka-pangulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply